HPA at Easterlies, makakaapekto sa bansa ngayong araw
By Rhommel Balasbas April 25, 2018 - 01:28 AM
Inaasahang magpapatuloy ang maalinsangang panahon sa buong bansa ayon sa PAGASA.
Ito ay bunsod ng sabay na pag-iral ng high pressure area (HPA) at easterlies na magdadala ng mainit na temperatura.
Makakaapekto ang ridge ng HPA sa Luzon habang iiral naman sa kabuuan ng bansa ang easterlies.
Inaasahan naman ang bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan bunsod ng easterlies sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.