Diborsyo sa ibang bansa valid na rin sa Pilipinas

By Len Montaño April 25, 2018 - 03:24 AM

Nagdesisyon ang Korte Suprema na ang divorce na nakuha ng isang Pilipino sa labas ng Pilipinas laban sa kanyang dayuhang asawa ay maikukunsiderang valid sa bansa.

Sa botong 10-3-1, sinabi ng Supreme Court na kikilalanin sa Pilipinas ang diborsyo ng isang Pilipino laban sa foreign spouse nito kahit pa ang Pinoy na asawa ang nag-file ng divorce.

Bago dito, ang diborsyo sa ibang bansa ay valid sa Pilipinas kapag ang dayuhang asawa ang naghain nito.

Ang mga tumutol sa ruling ay sina Justices Mariano del Castillo, Estela Perlas-Bernabe at Alfredo Benjamin Caguioa.

Ang desisyon ng Korte Suprema ay kaugnay ng kaso ni Marelyn Tanedo kung saan nagdesisyon ang mababang korte na hindi pwedeng i-apply ang Family Code dahil siya ang naghain ng diborsyo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.