Pilipinas at Kuwait may nakapagkasunduan na para pangangalaga ng mga OFW
Nagkasundo sa ilang bagay ang Pilipinas at Kuwait kaugnay ng kundisyon ng mga overseas Filipino workers (OFW) sa naturang Arab country.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sa pulong ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sa ambassador ng Kuwait ay natalakay ang kapakanan ng mga Pinoy na nagtatrabaho sa Kuwait.
Ilan aniya sa mga napagkasunduan ay tiyakin ang agarang aksyon ng otoridad ng Kuwait sa mga nakabinbin na hiling na tulong mula sa mga distressed OFW.
Aaksyunan din ang repatriation ng mahigit 600 Pilipino na nananatili sa mga shelter sa Philippine Embassy.
Nasiguro rin sa pulong ang katarungan sa kaso ng mga Pinoy na biktima ng pag-abuso at ibang krimen.
Napagkasunduan din ang tamang pagtrato sa mga Pilipino na makukulong matapos ang deadline ng amnesty program at ang pagpapauwi sa kanila sa tulong ng embahada ng Pilipinas.
Dagdag ni Roque, kumpyansa ang dalawang panig na agad mareresolba ang iba pang isyu sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.