Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang Sarangani alas -10:35 kagabi.
Batay sa impormasyon mula sa Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 26 kilometro sa Kanluran ng bayan ng Maasim.
May lalim itong 14 kilometro at tectonic ang origin.
Naitala ang Instrumental Intensity II sa General Santos City at Alabel, Sarangani.
Hindi naman inaasahan ang mga kasunod na pagyanig at pagkasira sa mga ari-arian.
MOST READ
LATEST STORIES