Maling pasiyente isinailalim sa leg surgery sa isang ospital sa India

By Justinne Punsalang April 25, 2018 - 01:52 AM

India Today

Hindi na ngayon makakalakad ang isang pasiyente sa New Delhi, India.

Ito ay matapos siyang aksidenteng isailalim sa leg surgery ng isang doktor ng Sushruta Trauma Centre bagaman dapat ay head surgery ang gagawin sa kanya.

Batay sa ulat, nagkamali ang hindi pinangalanang doktor at inakalang ang kanyang ooperahan sa binti ay si Vijendra Tyagi na naaksidente at dapat isailalim sa head surgery.

Sa kaparehong ward kasi umano naka-confine ang isa pang pasiyente na nabalian ng binti.

Ilang oras matapos ang nangyaring maling operasyon ay nagsagawa ng corrective procedure ang mga doktor upang tanggalin ang inilgay na pin sa kanyang binti. Ngunit hindi na rin siya makakapaglakad.

Hindi naman na naghain ng kaso ang pamilya ni Tyagi laban sa doktor, na ngayon ay kailangan ng supervision sa susunod na magsasagawa ng operasyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.