Naungusan ng Che’Lu Bar and Grill-San Sebastian ang Zark’s Burger-Lyceum sa kanilang unang tapatan para sa finals ng 2018 PBA D-League Aspirants’ Cup.
Wagi ang koponan ng Revellers sa iskor na 107-103.
Proud ang coach ng Revellers na si Stevenson Tiu sa kanilang pagkapanalo, bagaman wala ang kanilang lead scorer na si Jeff Viernes na kasalukuyang naglalaro naman para sa GlobalPort sa PBA.
Aniya, isang magandang comback ang kanilang pagkapanalo at aminado siyang kapwa deserving ang dalawang koponan na manalo.
Pinangunahan ni Samboy De Leon ang Revellers matapos niyang magtala ng 18 points. Sinundan siya ni Alfred Batino na may 17 puntos, at Michael Calisaan na nakapagbigay ng 15 points.
Samantala, para sa Jawbreakers, si JC Marcelino ang nanguna sa kanyang 23 points.