Pagdisiplina sa mga pulis nabalewala — PNP Chief Oscar Albayalde

By Len Montaño April 25, 2018 - 12:36 AM

Tila nabalewala ng Philippine National Police (PNP) ang pagdisiplina ng mga pulis habang abala sa war on drugs.

Pahayag ito ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde sa turnover ceremony ng CALABARZON Police kung saan umupo na sa pwesto si Regional Director Chief Superintendent Guillermo Eleazar.

Ayon kay Albayalde, sa nakalipas na mga buwan ay napabayaan ang internal discipline at ito ang nakita ng publiko.

Iginiit ng bagong PNP Chief na naka-focus siya sa mga police scalawags o mga pulis na sangkot sa krimen.

Nagbabala rin ito sa mga pulis na hindi siya mag-aalinlangan na suspendihin o sibakin sa serbisyo ang nahuling sangkot sa iligal na aktibidad.

Paglilinaw naman ni Albayalde, ang ginagawa niya ay hindi para sumikat at hindi raw siya magdi-demand ng loyalty pero inaasahan niya ang pagsunod sa kanya ng mga pulis.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.