Humingi ng paumanhin si Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano sa pagligtas sa distressed OFWs sa Kuwait.
Ito ay matapos magreklamo ang Kuwait kasunod ng pag-rescue sa mga Pinay domestic workers na umanoy inabuso at nais tumakas sa kanilang mga amo.
Ayon kay cayetano, humingi ang Pilipinas ng paumanhin sa gobyerno ng Kuwait, mga mamamayan at opisyal nito kung na-offend sila sa aksyon ng Philippine Embassy sa Kuwait.
Ipinarating ng kalihim ang apology sa pulong sa ambassador ng Kuwait sa Pilipinas.
Pero paliwanag ni Cayetano, ang aksyon ng Pilipinas ay para sa proteksyon ng mga Pilipino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.