Hinaing ng taong bayan na dagdag sweldo at pababain ang presyo ng mga bilihin, tinutugunan na ng Administrasyong Duterte

By Chona Yu April 24, 2018 - 09:49 PM

Tiniyak ng palasyo ng Malakanyang na tinutugunan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hinaing ng taong bayan.

Base sa pinakabagong survey ng Pulse Asia, dagdag sweldo sa mga manggagawa at maibaba ang presyo ng bilihin ang pangunahing concern ng mga Pilipino.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, walang ibang hangad ang Pangulong Rodrigo Duterte kundi ang mabigyan ng komportableng pamumuhay ang mga Pilipino.

Pinagsisikapan aniya ng administrasyon na maiahon sa kahirapan ang mga Pilipino.

“Pareho naman po ng concern iyan ng ating President ‘di ba? Mas komportableng buhay din ang gusto nating ibigay sa ating mga kababayan. So nagtutugma po ang kagustuhan ng ating mamamayan doon sa nais makamit ni Presidente Duterte” ayon kay Roque.

TAGS: Harry Roque, pulse asia, Harry Roque, pulse asia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.