PDEA, hinamong ilabas na ang listahan ng ng mga barangay officials na sangkot aa iligal na droga

By Erwin Aguilon April 24, 2018 - 09:04 PM

Hinamon ni Iligan City Rep. Frederick Siao ang Philippine Drug Enforcement Agency na ilabas na ang listahan ng barangay officials na sinasabing sangkot sa illegal na droga.

Sinabi ni Siao na kung talagang mayroong listahan ang PDEA ngayon na ang tamang panahon para ilabas ito.

Mayroon na lamang anyang tatlong linggo para sa barangay elections kaya maaaring mawala ang kredibilidad ng ahensiya kung hindi nila ilalabas ang listahan.

Noong nakaraang linggo ay sinabi ni PDEA chief Aaron Aquino na ilalabas niya ang mga pangalan ng barangay offiials na sangkot sa droga para hindi sila manalo sa darating na eleksyon.

Hinikayat din niya ang PDEA na isapubliko ang listahan ng 45 barangay na seryosong apektado ng iligal na droga.

TAGS: Frederick Siao, Philippine Drug Enforcement Agency, Frederick Siao, Philippine Drug Enforcement Agency

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.