Nagsampa ang Public Attorney’s Office ng reklamong obstruction of justice laban kay Health Sec. Francisco Duque III kaugnay ng umanoy pagkamatay ng mga batang naturukan ng Dengvaxia.
Sa press briefing sa Department of Justice, inakusahan ni PAO Forensics Expert Erwin Erfe ang Department of Health ng umanoy pagsira sa internal organs ng mga bata na pinaghihinalaang namatay sa Dengvaxia.
Napuna anya nila ang sirang lamang loob ng mga bata nang magsagawa sila ng re-autopsy sa mga ito.
Ibinunyag din ni Erfe na isa sa mga bata ay nawawala ang appendix.
Una anyang nagsagawa ng autopsy ang DOH sa mga bata at pinagbawalan ng ahensya ang mga ospital na payagan ang PAO na magsagawa muli ng autopsy sa mga naturukan ng Dengvaxia na namatay.
Sa pagsampa ng reklamo ay kasama ng PAO ang pamilya ng hinihinalang biktima ng Dengvaxia na si Abbie Hedia.
Una rito ay isinama ng PAO si Duque sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide and violation of the anti-torture law na isinampa sa DOJ.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.