DOH, iginiit na walang ginagawang pagtanggal ng internal organ ng isang tao ng walang consent ng pamilya nito

By Len Montaño April 24, 2018 - 07:13 PM

Iginiit ng Department of Health na walang ginagawang pagtanggal ng internal organ ng isang tao ng walang pahintulot ng pamilya nito.

Pahayag ito ni Health Sec. Francisco Duque II kaugnay ng umanoy pagtanggal ng mga doktor sa Tondo Medical center sa kidney ng trese anyos na si Aldrinne Pineda ng walang consent ng magulang.

Naiulat pa na ginawa umano ito na buhay pa ang bata noong March 2.

Pero sinabi ni Duque na hindi pwedeng magtanggal ng organ ng bata ang doktor ng walang pahintulot ng magulang.

Wala pa umanong detalye ang kalihim sa kaso ni pineda pero pagpapaliwanagin niya ang director ng tondo hospital.

Oras aniya na may makarating na reklamo sa kanila laban sa ospital ay bubuo sila ng fact finding team na mag-iimbestiga sa reklamo.

Aalamin ng ahensya kung may probable cause para kasuhan ang gumawa ng umanoy organ removal.

TAGS: department of health, internal organ, department of health, internal organ

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.