Posisyon ng gobyerno sa resolusyon ng EU na ihinto ng pamahalaan ang EJK, binanatan ni Rep. Alejano

By Erwin Aguilon April 24, 2018 - 07:11 PM

Binatikos ni Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano ang naging posisyon ng Department of Foreign Affairs sa resolusyon ng European Union Parliament na ihinto na ang extrajudicial killings sa bansa may kaugnayan sa war on drugs.

Ayon kay Alejano, iginigiit ng DFA sa EU ang soberenya, non-interference o hindi pakikialam sa mga hakbang ng bansa at mutual respect.

Gayunman, iba aniya ang posisyon nito sa ginagawang panghihimasok ng China sa soberenya ng bansa.

Halos yumuko ayon sa mambabatas ang pamahalaan sa posisyon nito China na kabaligtaran ng sa EU.

Paliwanag ni Alejano kapag EU ang pumupuna sa war on drugs ng administrasyon ay kaagad na sinasabi ng gobyerno na nangingialam ito pero ang China na halos sakupin ang teritoryo at i-bully ang mga mangingisda ay pala-kaibigan, puro papuri at halos lumuhod na ang gobyerno.

Dahil dito, iginiit ni Alejano na walang maaasahang sinseridad sa Duterte administration dahil mismong ang pinangangalagaang prinsipyo ay mayroong pinipili.

TAGS: eu, extrajudicial killings, gary alejano, eu, extrajudicial killings, gary alejano

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.