PLLO, walang overspending sa pagbabayad ng mga consultants

By Chona Yu April 24, 2018 - 07:09 PM

Nanindigan ang Presidential Legislative Liason Office na walang overspending ang kanilang tanggapan.

Taliwas ito sa report ng Commission on Audit na kwestyunable ang paggastos ng PLLO ng mahigit tatlong milyong piso bilang bayad sa mga consultants.

Sa statement na ipinadala ng tanggapan ni PLLO Secretary Adelino Sitoy sa Radyo Inquirer, sinabi nito na ang kasalukuyang technical at administrative power ay hindi sapat para tugunan ang maraming paper work at administrative duties.

Katwiran pa ng PLLO, pawang kwalipikado ang kanilang mga kinuha na mga legal professionals, skilled personnel at maging mula sa academe.

Binanatan din ng PLLO ang Rappler dahil sa paglathala ng ulat ng COA nang hindi man lang kinukuha ang kanilang panig.

Ayon pa sa PLLO, patunay lamang ito na nagpapakalat na naman ang Rappler ng fake news.

TAGS: commission on audit, overspending, Presidential Legislative Liason Office, commission on audit, overspending, Presidential Legislative Liason Office

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.