Pangulong Duterte, hindi na kailangan na mag-sorry sa Kuwait

By Chona Yu April 24, 2018 - 02:50 PM

Courtesy of Presidential Photographers Division

Naniniwala ang Palasyo ng Malakanyang na hindi na kailangan na humingi ng sorry ni Pangulong Rodrigo Duterte sa gobyerno ng Kuwait.

Ito ay matapos mag-viral ang video ng mga opisyal ng embahada ng Pilipinas sa Kuwait na nagsagawa ng rescue operation sa mga distressed Overseas Filipino Workers (OFWs).

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, naayos na ang gusot sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait matapos ang pagpupulong kagabi ng pangulo at ni Kuwaiti Ambassador to the Philippines Saleh Ahmad Althwaikh.

Bagamat natalakay sa pagpupulong kagabi ng pangulo at ng ambassador, hindi aniya big deal ang video kung ang bilateral relationship ng dalawang bansa.

Una rito, naghain ng dalawang diplomatic protest ang Kuwait laban sa pilipinas dahil sa ginawang rescue operation sa mga distressed OFW

TAGS: kuwait, philippines, kuwait, philippines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.