2 patay sa shootout sa Cavite

Police banner

Hindi na nagpahuli ng buhay dalawang robbery suspects sa mga rumespondeng pulis sa Kawit, Cavite.

Sa ulat alas-2:36 ng madaling araw ng Martes nang makatanggap ng text message ang lokal na pulisya ukol sa nangyayaring nakawan sa Romehand Bldg., sa Barangay Batong Dalig.

Sa pagresponde ng mga pulis ay inabutan pa nila ang dalawang suspek na sakay ng motorsiklo at patakas na patungo sa direksyon ng Metro Manila.

Nagkaroon ng running gunbattle at bumulugta na ang dalawang hindi pa nakikilalang suspek.

Nakuha sa dalawa ang isang motorsiklo, isang kalibre .45 na baril at isang bag na puno ng mga nakaw na gamit.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...