Personal na naghatid ng pakikiramay si North Korean leader Kim Jong Un sa Chinese Embassy sa kanyang bansa dahil sa pagkamatay ng Chiese tourist sa isang aksidente.
Ayon sa Chinese officials, patay ang 32 turistang Chinese at apat na Nortk Koreans sa bus na nahulog mula sa tulay sa North Korea.
Ayon sa state-run KCNA news agency, nakipagpulong si Kim sa Chinese mabassador at binisita ang mga biktima ng aksidente sa ospital.
Ipinahayag ni Kim ang kalungkutan sa insidente.
Ayon sa ulat, nahulog ang bus dahil sa hindi inaasahang traffic accident.
Dagdag ng KCNA, pinasalamatan ng Chinese officials si Kim sa personal na pakikiramay sa kabila ng pagiging abala nito.
READ NEXT
Dagdag-sahod, pagkontrol sa presyo ng bilihin, dapat tugunan ng gobyerno ayon sa nakararaming Pinoy – Pulse Asia
MOST READ
LATEST STORIES