Sa kauna-unahang pagkakataon, total penis and scrotum transplant, naisagawa sa Amerika

Kauna-unahan sa kasaysayan naisagawa sa Amerika ang “total penis and scrotum transplant” para sa isang sundalo na nasugatan sa pakikipagbakan sa Afghanistan.

Naging matagumpay ang 14 na oras na operasyon ng Johns Hopkins Hospital sa isang miyembro ng US Armed Forces na napinsala ang ari nang siya ay masugatan sa laban.

Ayon kay Richard Redett, clinical director ng Johns Hopkins genitourinary transplant program, ito na ang ikaapat na matagumpay na penis transplant sa mundo pero ito ang unang pagkakataon na isinama sa inilipat ang palibot na bahagi ng male sex organ kabilang ang lover abdomen, entire penis at scrotum.

Galing ang inilipat na ari mula sa isang pumanaw na donor.

Ayon sa Johns Hopkins University School of Medicine, bagaman posible na mai-reconstruct ang ari gamit ang tissue na kukuhanin sa ibang bahagi ng katawan, kakailanganin pa ng prosthesis implant para makamit nito ang erection.

Mas malaking halaga umano ang gastos para sa ganitong proseso at mas mataas ang posibilidad ng impeksyon.

Sa isinagawang transplant, kasamang inilipat ang bahagi ng balat (skin), muscles, tendons, nerves, buto, at blood vessels mula sa donor.

Ang nasabing pasyente ay malubhang nasugatan makaraang masabugan ng IED sa Afghanistan dahilan para mapinsala ang ibabang bahagi ng katawan.

Sa ulat ng nasabing unibersidad, mula taong 2001 hanggang 2013, umabot sa 1,387 na mga sundalo ang nagtamo ng pinsala sa kanilang ari dahil sa pakikipagbakbakan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...