Sariling pagawaan ng plaka ng LTO, bubuksan ngayong araw

DOTr Photo

Bubuksan na ngayong araw ang sariling pagawaan ng plaka ng Land Transportation Office sa tanggapan nito sa East Avenue sa Quezon City.

Ang pagpapasinaya sa LTO Plate Making Facility at pangungunahan ni Department of Transportation Office (DOTr) Sec. Arthur Tugade at LTO Chief Edgar Galvante.

Isinabay ang inagurasyon sa pagdiriwang ng ika-106 na Founding Anniversary ng LTO.

Ang pasilidad ay mayroong pitong manual embossing machines na kayang makagawa ng plaka ng mga sasakyan.

Kung tuluy-tuloy ang paggawa ay kakayaning makatapos ng 22,000 na plaka araw-araw.

Samantala sa katapusan ng Huloy, paparating naman ang isang automated embossing machine na kayang gumawa ng 12,000 na plaka kada araw.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...