18 patay sa sunog sa KTV sa China

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 24, 2018 - 09:46 AM

Patay ang labingwalong katao habang sugatan ang limang iba pa makaraang masunog ang isang karaoke lounge sa southern China.

Naganap ang sunog sa Qingyuan City sa Guangdong province ala 1:00 ng madaling araw ng Martes, oras sa China.

Natupok ang tatlong palapag na gusali na isang KTV lounge.

Hinala ng mga pulis, arson incident ang naganap o sinadya ang sunog.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Aalamin din kung mayroong kapabayaan sa fire safety regulations ng gusali.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: fire incident, Guandong China, fire incident, Guandong China

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.