Jeep nahulog sa bangin sa Antipolo, 2 ang sugatan

CREDIT: Joeland Domingo

Sugatan ang dalawang katao makaraang mahulog sa bangin ang isang pampasaherong jeep sa Barangay Dalig, Antipolo Rizal.

Naganap ang aksidente sa zigzag na bahagi ng barangay alas 6:20 ng umaga ng Martes, April 24.

Ayon sa Antipolo Radio Communications Office, 20 talampakan ang lalim ng pinaghulugan ng jeep.

Maswerteng hindi puno ang jeep nang maganap ang aksidente.

Agad nadala sa Rizal Provincial Hospital ang mga nasugatan na sina Emerita Gobia – 38 anyos at residente ng Brgy. San Jose, Antipolo, at ang driver ng jeep na si Edwin Cabueno na residente ng Morong Rizal.

Nawalan umano ng preno ang jeep patungo ng Teresa Rizal kaya nagtuloy-tuloy ito sa bangin.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...