Mahigit 300,000 pasahero, naserbisyuhan ng MRT-3 kahapon
Umabot sa mahigit 300,000 ang naserbisyuhan sa kabuuan ng operasyon ng MRT-3 kahapon, araw ng Lunes.
Sa daily operations report ng MRT-3, umabot sa 327,480 ang naserbisyuhan nilang pasahero kahapon.
Nasa 4,042 kilometers ang naitalang total distance travelled ng mga tren.
Habang nakapagtala ng 13 running trains sa kasagsagan ng peak hours, at 14 naman sa off-peak hours.
May naitala namang isang kaso ng unloading incident kahapon.
Isang tren ng MRT-3 ang nagpababa ng mga pasahero sa GMA-Kamuning station alas 5:19 ng hapon dahil sa mechanical failure.
Aabot sa 800 pasahero ang naapektuhan ng nasabing aberya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.