14,000 sako ng bigas galing Isabela parating ng Metro Manila
Mas marami pang bigas ang darating sa Metro Manila na galing naman sa mga rice traders mula sa lalawigan ng Isabela.
Labingapat na libong sako ng bigas ang ibibiyahe patungong NCR na bahagi ng pangako ng Isabela Rice Millers Association kay Pangulong Rodrigo Duterte para makatulong sa kakapusan ng suplay ng NFA Rice sa bansa.
Gaya ng mga bigas na galing sa Nueva Ecija, ibebenta lang din ng P39 kada kilo ang commercial rice mula Isabela sa mga pamilihan sa Metro Manila.
Ang 14,000 na sako ng bigas mula sa Isabela ay bahagi pa lamang ng pangako nilang P100,000 sako ng bigas.
Ang mga rice millers mula Nueva Ecija ay nakapagdeliver na sa Metro Manila ng aabot sa 30,000 sako ng bigas mula noong April 16.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.