27 sugatan sa salpukan ng truck at 2 van sa Leyte

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 24, 2018 - 06:49 AM

Aabot sa 27 katao ang nasugatan sa salpukan ng isang trak at 2 pampasaherong van sa Capoocan, Leyte.

Naganap ang aksidente sa pababang at palikong bahagi ng national highway ng Sitio Ansubas, Barangay Cabul-an.

Ayon kay Tirso Carbon, driver ng trak, nawalan umano ng preno ang kaniyang minamanehong sasakyan kaya nabangga niya ang kasalubong na pampasaherong van.

Galing ang trak sa Mandaue City, Cebu at patungo sana sa Calbayog, Samar para maghatid ng grocery items.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, natamaan din ang isa pang pampasaherong van na nasa likuran naman ng unang tinamaan na van.

Umabot sa 27 katao ang nasugatan bunsod ng aksidente kabilang ang mga pahinante ng trak at mga pasahero ng 2 pampasaherong van.

Agad namang dinala sa Carigara District Hospital ang mga biktima na kalaunan ay inilipat sa Eastern Visayas Regional Medical Center sa Tacloban City.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: accident, Capoocan Leyte, Radyo Inquirer, truck, van, accident, Capoocan Leyte, Radyo Inquirer, truck, van

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.