9 patay, 16 sugatan sa pag-araro ng van sa mga tao sa intersection sa Toronto, Canada

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 24, 2018 - 06:32 AM

Siyam ang patay 16 sugatan sa pag-araro ng isang van sa mga

Patay ang siyam katao habang aabot sa labinganim pa ang nasugatan makaraang sagasaan ng isang van ang mga taong intersection ng sa Toronto, Canada.

Naganap ang insidente sa intersection ng Yonge Street ayon kay District Chief for Toronto Fire Stephen Powell.

Naaaresto naman ang lalaking nagmamaneho ng nasabing van.

Inaalam pa ng mga otoridad kung ano ang motibo sa krimen. Masyado pa rin umanong maaga para sabihing may kaugnayan ito sa terorismo.

Ayon sa Ministry of Public Safety ng Canada, mananatili ang kasalukuyang alert level sa terorismo at hindi nila nakikita na kailangan itong itaas matapos ang insidente.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: toronto canada, van plows pedestrian, toronto canada, van plows pedestrian

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.