Mga korte sa Tacloban, magiging hi-tech

By Mariel Cruz October 11, 2015 - 04:21 PM

Inquirer file photo

Matapos ang pinsalang idinulot ng Bagyong Yolanda sa Tacloban City, makikita ang patuloy na pag-ahon ng probinsya dahil sa pagkakabilang ng kanilang Regional Trial Court sa mga siyudad sa Pilipinas na may “e-courts” o high tech na sistema sa mga hukuman.

Ayon kay RTC Executive Judge Alphinor Serrano, biyaya ang trahedyang dinala ng bagyong Yolanda dahil ito ang nagbigay daan upang maging high-tech ang mga korte sa Tacloban.

Naging demoralisado aniya ang Tacloban matapos ang pagtama ng Bagyong Yolanda at sirain ang lahat sa siyudad dahilan para mawalan na sila ng pag-asa.

Ngunit ngayon nakikita nila na sa kabila ng trahedya, mangingibabaw pa rin ang pag-asa na tuluyan makababangon ang Tacloban.

Ang e-court program na bahagi ng 3.9 billion pesos technology master plan ng Korte Suprema ay isang automated na sistema ng paghawak sa mga kaso at ang Tacloban RTC ay isa sa mga pilot area na kabilang naturang programa.

Ang pondo sa e-court program ay mula sa US Agency for International Development o USAID.

Ayon kay Atty. Michael Ocampo, ang taga pangasiwa sa automation program at isa sa mga abogado sa Office of Chief Justice Maria Lourdes Sereno, inilunsad ang e-court upang mas mapadali ang justice system sa bansa. Sa pamamagitan aniya ng programa, maaari nang maghain ng kaso on-line ang mga abogado at balikan o magsagawa ng follow-up sa mga nakabinbin na kaso gamit naman ang cellphone.

Ilan pa sa mga kabilang sa e-court program ay ang mga siyudad ng Quezon, Makati, Pasig, Manila at Mandaluyong sa Metro Manila; Angeles City sa probinsya ng Pampanga; Cebu, Lapu-Lapu at Davao cities at ang pinakabago, ang Tacloban City.

Sa naunang listahan ng pilot areas para sa e-court program, hindi kabilang dito ang Tacloban ngunit nagdesisyon si Sereno na isama na ang mga lugar na malubhang napinsala ng sakuna bilang suporta sa kanilang rebuilding efforts.

Matapos maging kabilang sa naturang programa, nilagyan na ang pitong courtrooms sa Tacloban ng sampung computers na may magagandang klase ng printers at scanners at iba pang computer equipment na galing sa implementing partner ng USAID na American Bar Association.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.