3 patay sa sunog sa Quezon City

Tatlong katao ang namatay, habang dalawa pa ang sugatan, matapos sumiklab ang sunog sa Sarmiento Compound, Barangay Pasong Tamo, lungsod Quezon.

Kinilala ang dalawa sa mga nasawi na sina Paulina Santos, 55 taong gulang; at Rachel Ann Santos, 24 na taong gulang.

Sina Juanita Redito at Antonio Entco naman ang mga naitalang sugatan.

Ayon kay Quezon City Fire Marshall, Fire Superintendent Manuel Manuel, sumiklab ang apoy sa kusina ng bahay ni Redito. Umabot sa ikalawang alarma ang sunog na tuluyang naapula bandang alas-12:50 ng madaling araw.

Tinupok ng apoy ang 15 kabahayan na pawang gawa sa light materials, kung saan apektado ang 30 mga pamilya.

Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa naging sanhi ng sunog, at ang kabuuang pinsala dahil dito.

Read more...