2 bilanggo ng Pasay City Jail namatay

By Justinne Punsalang April 24, 2018 - 02:54 AM

Namatay ang dalawang lalaking bilanggo ng Pasay City Police Station Station Drug Enforcement Unit detention cell Lunes ng umaga.

Kinilala ang mga bilanggo na sina Eduardo Angeles, 48 taong gulang; at Arman Castillo, 32 taong gulang.

Ayon sa Pasay City Police, nagsasagawa ng routine check si PO1 Anthony Fernandez bandang 5:45 ng umaga nang makitang walang malay sina Angeles at Castillo.

Agad na humingi ng tulong ang pulis mula sa Pasay Rescue at madaliang dinala ang dalawa sa Pasay General Hospital.

Ngunit bandang alas-7:01 ng umaga ay kapwa namatay sa ospital ang dalawang bilanggo habang nilalapatan ng lunas.

Hindi pa batid ang dahilan ng pagkamatay ng dalawa kaya naman nagsasagawa na ang mga otoridad ng imbestigasyon.

Kabilang sa kanilang tinitingnang dahilan ang foul play ng kanilang kapwa mga bilanggo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.