Pilipinas at Kuwait nag-uugnayan para sa repatriation ng mga OFW
Iginiit ni Ambassador Renato Villa na ang pagligtas sa mga distressed overseas Filipino workers (OFW) sa Kuwait ay may koordinasyon sa gobyerno ng bansa.
Ayon kay Villa, laging nakikipag-ugnayan ang embahada ng Pilipinas sa Ministry of Interior ng Kuwait.
Ang mga hakbang anya ng Philippine Embassy sa nakalipas na mga linggo kagaya ng pag-rescue sa mga OFW na humiling sa kanila ng tulong ay ginawa para matiyak na maresolba ang nakabinbin na mga isyu bago ang pagpirma ng Domestic Worker Agreement at ang pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kuwait.
Pahayag ito ni Villa matapos siyang ipatawag ng mga opisyal ng bansa dahil sa video na nagpapakita ng pagligtas sa mga OFW partikular na ang mga domestic workers gayundin ang umanong batikos ng ambassador sa naturang Arab country.
Samantala, sinegundahan ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayetano ang pahayag ni Villa dahil ang rescue operation aniya ay hindi para ipahiya ang gobyerno ng kuwait.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.