Boracay Press Corps nais ni Presidential Spokesperson Harry Roque

By Len Montaño April 24, 2018 - 12:22 AM

Hinimok ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang Boracay Inter-Agency Task Force na luwagan ang restrictions sa media coverage ng Boracay.

Ipinanukala rin ni Roque ang pagbuo ng Boracay Press Corps.

Ito anya ay para mabigyan ang mga mamamahayag ng media passes para magkaroon sila ng parehong pribilehiyo sa mga residente ng isla.

Una rito ay sinabi ng Inter-Agency Task Force, na binubuo ng Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Environment and Natural Resources (DENR), at Department of Tourism (DOT) na papayagan lang ang pananatili ng mga miyembro ng media sa isla mula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon.

Pagkatapos nito ay pababalikin na ang mga mamamahayag sa mainland sa bayan ng malay.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.