Dating PNoy hindi manghuhula para malaman ang epekto ng Dengvaxia — Sen. Bam Aquino

By Jan Escosio April 24, 2018 - 12:11 AM

Ipinagtanggol ni Senador Bam Aquino ang kanyang pinsan na si dating Pangulong Noynoy Aquino sa pagdidiin sa kanya sa Dengvaxia scandal.

Katwiran ng senador hindi naman manghuhula ang dating pangulo para malaman nito kung ano ang magiging epekto ng anti-dengue vaccine ng Sanofi-Pasteur.

Sinabi ni Aquino na kasama siya sa mga hindi pumirma sa report ni Senador Richard Gordon, ang namumuno sa Blue Ribbon Committee, dahil sa kanyang palagay ay hindi nasagot ang pangunahing tanong na kung napatunayan na may direktang kinalaman ang Dengvaxia sa pagkamatay ng ilang batang nabakunahan nito.

Aniya, magulo at magkakaiba din ang mga pahayag ng mga ahensiya ng gobyerno na nag-iimbestiga sa mga pagkamatay.

Idinagdag pa ng opposition senator na marami sa mga kapwa niya senador ang nalalabuan sa laman ng ulat ni Gordon kaya naman kapag umabot ito sa plenaryo ay marami ang hihirit ng pagbabago sa nilalaman nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.