Kumpiyansa si Senador Bam Aquino na magkakaroon ang oposisyon ng puwersa habang papalapit ang midterm elections.
Ito ang pahayag ng senador bagaman tanging siya lang mula sa oposisyon ang nakapasok sa Magic 12 para sa mga senatoriables ayon sa isang survey.
Ayon kay Aquino, sa mga susunod na buwan ay maiisip pa rin ng taumbayan na kailangan na may oposisyon sa bansa.
Sinabi nito na patuloy ang pag-uusap-usap ng mga non-traditional political groups, na pare-parehong may pag-kontra sa mga polisiya ng kasalukuyang administrasyon, at ang mga ito ay naghahanap ng mga bagong magiging mukha ng oposisyon.
Banggit pa ng opposition senator na maaaring ilabas na nila ang kanilang line-up bago ang filing ng certificate of candidacy (COC) sa October at giit nito ang kanilang target ay magkaroon ng mas maraming bilang ang oposisyon sa Senado.