Importanteng dokumento hindi kabilang sa mga shredded papers ni ex-DOJ Sec. Aguirre

Walang nakita ang bagong liderato ng Department of Justice (DOJ) na importanteng dokumento sa mga shreded o ginutay-gutay na dokumento sa huling araw ni dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre.

Sa isang pahayag, sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na base sa resulta ng kanilang inisyal na imbestigasyon, mga drafts, duplicate copies, invitations, at kopya ng magazines ang mga shredded papers na nakitang iniwan ng dating kalihim.

Kinumpirma rin ni Guevarra na walang nawawalang mga importanteng dokumento sa DOJ tulad ng case files o official documents.

Sa kabila nito, nagpapatuloy pa rin aniya ang kanilang imbestigasyon hinggil dito.

Read more...