Pagpapauwi sa mga mangingisdang Pinoy na nakakulong sa Indonesia pinamamadali

By Chona Yu April 23, 2018 - 10:45 PM

Pinagtutunan na ng pansin ng pamahalaan ang pagpapauwi sa 46 na mga Pilipinong mangingisda na nakakulong sa Indonesia dahil sa kasong illegal fishing.

Ayon kay Special Assistant to the President Secretary Bong Go, alam na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sitwasyon at pinakikilos na nito ang mga kaukulang ahensiya kagaya ng Department of Foreign Affairs (DFA) para mapabilis ang pag-uwi ng mga mangingisda at makapiling na ang kani-kanilang pamilya.

Sinabi pa ni Go na balak ng pangulo na kausapin si Indonesian President Joko Widodo sa pagdalo ng dalawang lider sa ASEAN Leaders Summit sa Singapore sa loob ng linggong ito.

Una rito, nakauwi na sa bansa ang 31 mangingisda na nakulong sa Indonesia.

Karaniwang naaresto ang mga Pilipinong manginhisda dahil lumalagpas sa boundary ng karagatan na sakop ng Pilipinas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.