Deployment ng mga pulis sa Barangay at SK elections plantsado na
Aabot sa 90 percent ng pwersa ng Philippine National Police ang ipakakalat para sa gaganaping Barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, all systems go na ang kanilang hanay at nasa 150,000 hanggang 160,000 na mga pulis ang kanilang itatalaga sa sa iba’t ibang polling precincts sa bansa sa panahon ng halalan.
Samantala, mananatili namang naka-stand by ang natitira nilang pwersa sa anumang kaganapan.
Una nang inihayag ni PNP spokesman Chief Supt. John Bulalacao na 5,744 Baranggays sa buong bansa ang nasa watch List ng PNP bilang mga election hotspots.
Nagpahayag naman ng kumpyansa si Albayalde na mapapanatili ng PNP ang kaayusan sa buong bansa sa panahon ng halalan.
Sa kasalukuyan ay tuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Commission on Elections para sa pagbabantay sa mga lugar na posibleng pagmulan ng mga kaguluhan sa mismong araw ng halalan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.