Maliit na eroplano sasakyan ng pangulo sa pagpunta sa ASEAN Summit sa Singapore

Isang eight-seater private plane ang gagamitin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagdalo sa 32nd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Huwebes na gaganapin sa Singapore.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na maliit lamang ang delegado ng pangulo sa flight papunta sa nasabing bansa mula sa Davao City.

Nagpasya ang pangulo na kaunti lamang ang isama sa ASEAN Summit para mapaliit ang gastos ng pamahalaan.

Magugunitang inulan ng batikos ang malaking bilang ng mga delegado ng pangulo sa kanyang pagdalo sa Boao Business Forum sa China na sinundan ng pagbisita sa Hong Kong.

Bukod sa kanyang pulong sa mga ASEAN counterparts ay may nakatakda ring dayalogo ang pangulo sa ilang mga business leaders.

Makikipagkita rin si Duterte sa Filipino community sa nasabing bansa.

Hindi pa inilalabas ng Malacañang ang pangalan ng mga magiging kasama ng pangulo sa nasabing byahe maliban kay Special Assistant to the President Sec. Bong Go.

Read more...