National Youth Commission pinagpapaliwanag sa gastos sa snacks
Sinita ng Commission on Audit ang sobra sobrang gastos ng National Youth Commission sa mga miryenda at pagkain noong nakaraang taon.
Sa pag-aaral ng petty cash vouchers ng NYC, nabatid na umabot sa P268,000 ang nagastos ng ahensya para ipambayad ng meals at snacks.
Nadiskubre rin na sa 126 na meeting at related activities ng komisyon 112 dito ang maituturing na unofficial.
Base sa COA circular no. 2012-2013, maituturing na ‘unnecessary expenses’ ang ginamit na pondo ng NYC dahil wala itong pirmadong notice of meeting o meeting order na nagpapatunay na otorisado ito.
Samantala, nagpaalala naman ang COA sa NYC na sumunod sa panuntunan sa paggamit ng pondo ng gobyerno at tiyaking gagamiting lamang ang pondo sa mga maituturing na owtorisadong meeting at mga aktibidad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.