Kris Aquino welcome sa administrasyong Duterte

 “Welcome on board.”

Pahayag ito ng Malacañang matapos sabihin ng sikat na tv host na si Kris Aquino na mabuti na lamang na si Pangulong Rodrigo Duterte ang nanalo sa 2016 presidential elections at hindi ang pambato ng Liberal Party na si Mar Roxas na asawa broadcast journalist na si Korina Sanchez.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na welcome si Kris sa kasalukuyang administrasyon sabay pakita ng Duterte fist pose.

Ayon kay Roque, hindi naman itinuring na masama ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamilya Aquino.

Iginiit pa ni Roque na noon pa man sinuportahan na ng pangulo si dating Pangulong Corazon Aquino noong 1986 Revolution maging sa kampanya nito noon sa Davao City.

Pinaghugutan ni Kris ng komento nito ay nang ilabas ni Sanchez sa kaniyang tv show ang interview sa dating asawa na si James Yap.

Hindi naman matukoy ni Roque kung marring magkaayos na ang pamilya Aquino at ang adminisrasyong Duterte.

Read more...