Duterte pinayuhan na huwag muna magpunta sa Kuwait

By Erwin Aguilon April 23, 2018 - 03:18 PM

Hinikayat ngayon ni ACTS OFW Rep. John Bertiz ang Department of Foreign Affairs na ipagpaliban ang nakatakdang byahe ni Pangulong Rodrigo Duterte patungong Kuwait.

Ito ayon kay Bertiz ay kaugnay sa isyu na kinakasangkutan ni Philippine Ambassador to Kuwait Rene Villa.

Sinabi nito na kailangang maresolba muna ang usapin may kaugnayan sa protesta ng Kuwaiti government laban sa kinatawan ng bansa doon.

Dapat anyang irekonsidera ng pamahalaan ang pagtungo ng pangulo sa nasabing bansa upang saksihan ang paglagda sa Memorandun of Understanding ng Pilipinas at Kuwait para sa pangangalaga ng OFWs.

Paliwanag ni Bertiz, kinikilala niya ang kahalagahan ng relasyon ng Pilipinas sa Kuwait dahil sa marami pa ring mga OFW ang nananatili sa nasabing bansa bukod pa ang matagal nang pagkakaibigan nito.

Gayunman, kailangan anyang ipakita ang suporta kay Ambassador Villa dahil na rin sa mahusay nitong track record para pangalagaan ang kapakanan ng mga OFW.

Kaugnay nito nanawagan si Bertiz na magtulungan ang DFA at DOLE upang ma-address ang concern ng Kuwait Ministry of Interior and Ministry of Foreign Affairs sa pamamagitan ng diplomatic channels.

Nauna rito, nagpadala ng diplomatic protest ang Kuwati government sa Pilipinas kaugnay sa sinasabing mapanirang pahayag at hindi tamang asal ni Villa na nakuhanan ng video laban sa kanilang gobyerno.

TAGS: betriz, DFA, DOLE, kuwait, ofw, betriz, DFA, DOLE, kuwait, ofw

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.