500 Grab drivers kinastigo dahil sa maraming reklamo ng mga pasahero

By Chona Yu April 23, 2018 - 03:10 PM

Inquirer file photo

Umabot na sa limangdaang drivers ang naparusahan ng Grab Philippines dahil sa pagkakansela sa mga biyahe at iba pang decorum issues.

Sa pulong balitaan sa Maynila, sinabi ni Grab Philippines Country Head Brian Cu na mas maraming driver pa ang mapapasurahan sa mga susunod na araw oras na matapos na ang kanilang internal investigation sa mga reklamo.

Tiniyak ni Cu na hindi kulunsintihin ng kanilang hanay ang mga pasaway na driver.

May nakalatag na aniyang hakbang ang Grab para lalo pang maayos ang pagbibigay serbisyo sa mga pasahero.

Ayon kay Cu, umaabot lamang sa 5 percent ang ibinigay ng Grab na cancellation rate para sa mga driver at kapag lumagpas na sa 10 percent ay maari na itong mapatawan ng disciplinary actions.

Samantala, sinabi ni Cu na mula nang suspendihin ng ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang P2 per minute travel charge ay mas kaunti na ang bilang ng mga driver ang pumapasada.

Sinabi ni Cu na noong nakalipas na weekend ay naging doble ang cancellation rate at pumalo sa 11 percent.

TAGS: brian cu, Grab, ltfrb, brian cu, Grab, ltfrb

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.