11 sugatan sa pagbangga sa puno ng pampasaherong bus sa Tagkawayan, Quezon
Sugatan ang hindi bababa sa 11 pasaherong sakay ng isang pampasaherong bus matapos bumangga sa puno sa Tagkawayan, Quezon.
Ayon kay CInsp. Dandy Aquilar, hepe ng Tagkawayan police, binabagtas ng isang unit ng Our Lady of Salvation Bus Lines ang pakurbang daan ng isang highway sa Barangay Sta. Cecilia nang biglang mawalan ng kontrol ang driver na si Michael Manaog.
Dahil dito, bumangga ang bus sa isang puno sa naturang highway.
Ang bus unit ay patungo sanang Maynila.
Ayon sa pulisya, nagkaroon ng mechanical problema ang steering wheel ng bus kung kaya’t naaksidente ito.
Isinugod naman sa Maria Eleazar Memorial District Hospital ang driver kasama ang mga sugatan pasahero na sina Keneth Mañares, Christopher Dosol, Elmirth Borbor, Eric Colorico, Sixta Colorico, Jimmy Broso, Javie Purisima, Jobelle Balsamo, Eulalio Botilo at Angelica Cañezo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.