Mambabatas humirit sa LTFRB na mag-syu ng cease and desist order vs Grab sa paniningil ng P2 per minute

By Chona Yu April 23, 2018 - 10:48 AM

Kuha ni Chona Yu

Tiniyak ni PBA Partylist Rep. Carlo Nograles na hindi siya titigil na kalampagin ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board at maging ang pamunuan ng Grab Philippines na alisin na ang P2 singil kada minuto sa mga pasahero.

Sa pulong balitaan sa Maynila sinabi ni Nograles na nakapagtataka na suspension order lamang ang inilabas ng LTFRB.

Dahil aniya sa suspension order mistulang may legal na basehan ang Grab para maningil ng dagdag na P2.

Hirit pa ni Nograles dapat cease and desist order ang inilabas ng LTFRB laban sa Grab.

Sinopla rin ni Nograles ang katwiran ng Grab na emergency situation ang dahilan ng kanilang pagtataas ng singil sa pasahe kahit na walang written order mula sa LTFRB.

Tanong ni Nograles sa Grab kung ang emergency ba na kanilang tinutukoy ay ang traffic sa EDSA.

Samantala sinuportahan naman ni Senator JV Ejercito ang panawagan ni Nograles.

Unfair aniya ang biglang pagtataas ng Grab sa pasahe gayung sa mga taxi driver ay dumadaan pa sa petisyon at proseso sa LTFRB.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Grab, Jericho Nograles, ltfrb, Radyo Inquirer, Grab, Jericho Nograles, ltfrb, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.