P5M halaga ng shabu nasabat sa isang condominium unit sa Muntinlupa

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 23, 2018 - 09:42 AM

Nasabat ng mga otoridad ang aabot sa P5 milyon halaga ng shabu sa isang condominium unit sa Sucat, Muntinlupa kaninang madaling araw.

Ayon sa PNP-Drug Enforcement Group (PDEG), isang buwan silang nagsagawa ng surveillance sa nasabing unit na inuupahan ng isang Chinese national bago ikinasa ang operasyon.

Aabot sa na plastic bag na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Sinabi ni PDEG head Chief Supt. Albert Ferro naaresto nila sa operasyon ang may-ari ng condominium na si Lee Hong Ping, na isang Chinese national.

Ang operasyon ay follow-up sa pagkakadakip noong nakaraang linggo sa isang Chinese sa Makati City at 3 Pilipino sa Alabang.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Illegal Drugs, Muntinlupa City, PNP Drug Enforcement Group, Illegal Drugs, Muntinlupa City, PNP Drug Enforcement Group

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.