4 patay sa pamamaril sa Nashville; suspek halos walang saplot nang isagawa ang krimen

Patay ang apat na katao sa insidente ng pamamaril ng isang gunman na halos hubad o walang saplot sa katawan sa Nashville, Tennessee.

Ang suspek ay kinilalang si Travis Reinking – 29 anyos, tubong Morton, Illinois, ay pinaghahanap pa rin ng mga otoridad.

Ayon sa mga otoridad, hubad ang gunban at tanging berdeng jacket ang suot nang siya ay mag-umpisang mamaril sa parking lot ng isang restaurant.

Matapos ito, pumasok siya sa restaurant at saka muling nagpaulan ng bala. Apat ang nasawi sa ginawang pamamaril ng suspek.

Maliban sa mga nasawi, dalawa pa ang nasugatan at isa sa kanila ang kritikal ang kondisyon.

Binalaan ng mga pulis ang mga residente sa lugar na mag-ingat dahil mapanganib ang suspek na nananatiling armado.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...