Eroplano ng Cebu Pacific, humambalang sa runway ng Zamboanga Airport; nagdulot ng temporary closure sa paliparan

By Chona Yu, Donabelle Dominguez-Cargullo April 23, 2018 - 08:33 AM

Photo from Zamboanga City Mayor Beng Climaco

Dahil sa problema sa steering, humambalang sa runway ng Zamboanga International Airport ang isang eroplano ng Cebu Pacific, Lunes (April 23) ng umaga.

Sa abiso ng airline company ang eroplano na may flight number 5J 849 biyaheng Manila-Zamboanga ay humito sa runway ng paliparan.

Ligtas naman ang lahat ng pasahero nito at naibaba lahat sa eroplano.

Dahil sa nasabing insidente, pansamantalang isinara ang Zamboanga International Airport runway.

Nagdulot naman ito ng pagka-delay sa mga biyahe ng Cebu Pacific kabilang ang mga sumusunod na flights:

• 5J 851 Manila-Zamboanga
• 5J 839 Zamboanga-Tawi Tawi
• 5J 840 Zamboanga-Tawi Tawi

Humingi ng paumanhin ang Cebu Pacific sa abalang idinulot ng insidente.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: cebu pacific, flight delays, runway, Zamboanga International Airport, cebu pacific, flight delays, runway, Zamboanga International Airport

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.