4 ang patay sa pinaniniwalaang kaso ng election related violence sa Basilan

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 23, 2018 - 07:51 AM

Patay ang apat na katao makaraang mauwi sa karahasan ang away-pulitika sa pagitan ng dalawang pamilya sa Barangay Camamburingan sa Ungkaya Pukan sa Basilan.

Nasawi sa nasabing insidente si Usan Asani, dating barangay captain ng Barangay Camamburingan at tatlo pang miyembro ng kaniyang pamilya.

Ayon sa pahayag ng mga testigo, pinagbabaril ng mga suspek ang bahay ni Asani na naghain ng kaniyang certificate of candidacy para sa barangay elections.

Bagaman walang direktang pag-amin na siya ang nasa likod ng pag-atake, kusang nagtungo sa headquarters ng 18th infantry battalion ng Philippine Army sa Ungkaya Pukan si Hernie Asao, ang incumbent barangay captain sa Camamburingan.

Kinumpiska ng mga otoridad ang M-16 rifle ni Asao at ang M203 grenade launcher nito.

Ayon kay Brigadier General Juvymax Uy, walang kaugnayan sa terorismo ang pag-atake.

Sasampahan naman ng kasong paglabag sa election gun ban si Asao at iimbestigahan ang posibleng kinalaman nito sa pag-atake sa pamilya Asani.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Basilan, election related violence, Ungkaya Pukan, Basilan, election related violence, Ungkaya Pukan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.