Mahigit 170,000 na mga pasahero, naserbisyuhan ng MRT-3 kahapon

Umabot sa mahigit 170,000 na mga pasahero ang naserbisyuhan ng Metro Rail Transit sa biyahe nito kahapon, April 22, araw ng Linggo.

Sa daily operations report ng MRT-3, 176,725 ang kabuuang bilang ng mga pasaherong naitala sa buong operasyon ng tren.

Dahil weekend at mas bibihira ang pasahero, labingdalawang tren lamang ang naitalang average number of trains, mas mababa kumpara sa 15 hanggang 16 kapag weekdays.

Umabot sa 4,125 kilometers ang total distance travelled ng tren.

Habang wala namang naitalang unloading incidents kahapon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...