Ilang bahagi ng Metro Manila mawawalan ng kuryente ngayong araw
Sa abiso ng Meralco, sa Quezon City, mawawalan ng suplay ng kuryente ang bahagi ng Project 4 mula alas 10:00 ng umaga mamaya hanggang alas 4:00 ng hapon mamaya.
Apektado ng power interruption ang ilang lansangan na sakop ng Barnagay Bagumbuhay. Ito ay dahil sa line reconductoring work ng Meralco sa Magat Salamat at Miguel Malvar Streets sa Project 4.
Sa Quezon City pa rin, alas 9:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon ang power interruption sa bahagi ng Loyola Heights.
Apektado ang Builtmor Condominium Tower 1 at St. John Compound sa kahabaan ng Esteban Abada St. Ito ay dahil naman sa paglalagay ng bagong pasilidad ng Meralco sa Brgy. Loyola Heights.
Sa Maynila naman, alas 11:30 ng gabi mamaya hanggang alas 5:30 ng umaga bukas ang power interruoption na makaaapekto sa ilang bahagi ng Paco.
Maapektuhan ng power interruption ang bahagi ng Paz Mendoza Guanzon St. mula sa Pres. Quirino Ave. hanggang sa L. Mendoza at Sancangco Streets.; Otis 888 Residences, Robinsons Place Otis, Isuzu Motors at Unilever Philippines.
Gayundin ang L. Mendoza at Otis Steets mula Paz Mendoza Guanzon St. hanggang Mendiola Extension kabilang ang D. Eugenio, Remedios at Ada’s Park Steets.
Samantala sa Las Pinas City, alas 11:00 ng gabi mamaya hanggang alas 4:00 ng umaga bukas ang power interruption sa bahagi ng Pamplona.
Apektado ang Tropical Avenue mula Buenos Aires St. hanggang sa El Grande Ave kabilang ang V. A. A. Homes Subd., Caseria Mariposa 1 Subd.; Brussels, Lima, Madrid, Ontario, Rangoon, Sacramento, Venice at Warsaw Streets sa BF Homes Subd. sa Brgys. B. F. International Village at Talon III.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.