Aplikasyon para SHS Voucher Program hanggang April 27 na lang

By Rhommel Balasbas April 23, 2018 - 06:23 AM

Nagpaalala ang Department of Education (DepEd) sa publiko na hanggang sa Biyernes na lamang, April 27 maaaring magpasa ng aplikasyon para sa Senior High School Voucher Program (SHS VP).

Sa isang pahayag, sinabi ng DepED na lahat ng aplikasyon para sa buwan ng Abril ay dapat ma-accomplish online sa pammagitan ng pag-access sa Private Education Assistance Committee’s Online Voucher Application Program sa ovap.deped.gov.ph.

Matatandaang binuksang muli ang SHS VP application noong April 2 matapos ang rekomendasyon nina Undersecretary Jesus Mateo at Victoria Catibog.

Ang muling pagbubukas sa aplikasyon ay upang mas marami pang Grade 10 completers ang maaccomodate at mabigyan ng opsyon na makapag-enroll sa mga pribadong paaralan, state universities and colleges at local universities and colleges kabilang na ang mga technical at vocational schools na may SHS program.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Department if Education, Radyo Inquirer, Senior High School., Voucher Program, Department if Education, Radyo Inquirer, Senior High School., Voucher Program

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.