2 drug personalities arestado sa buy bust operation sa Maynila

Arestado ang dalawang drug personalities sa ikinasang joint buy bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office – Autonomous Region of Muslim Mindanao at Special Enforcement Services (SES) sa Quirino Grandstand, Roxas Boulevard, Maynila.

Batay sa inisyal na ulat, naganap ang operasyon hapon ng Linggo na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na parehong tubong Marawi City sa Lanao del Sur.

Nakuha sa dalawa ang aabot sa 500 gramo ng shabu at may estimated value na 2.5 milyong piso.

Isa sa mga suspek ang nagtangkang kuhain ang bag ng female agent na nagpanggap na buyer.

Ang nasabing bag ay naglalaman ng armas.

Ang pagtatangka ng suspek ang dahilan para paputukan ng mga awtoridad ang suspek sa kanang hita upang mapigilan ang mas malalang insidente.

Agad namang isinugod sa East Avenue Medical Center ang suspek upang bigyang lunas habang mahigpit na binabantayan ng SES.

Read more...